Kung wala kapang Time, Knowledge, Capital at medyo takot kapa dahil baka malugi ka sa Stock Market, ito ang nababagay para sa'yo...Ito ang tinatawag na Mutual Funds. Sa Mutual Funds ikaw ay “INDIRECT INVESTOR” dahil merong Professional Fund Manager(s) na mag-manage ng portfolio mo, hindi ikaw ang magde-decide kung anong mga companies ang bibilhin. Ang Mutual Funds ay pinagsama-samang pera ng mga investors, kunwari yung P100,000 ko, P5,000 mo at P10,000 ng kaibigan mo pagsasamahin ng Fund Manager yan at dahil malaki ang budget, ibibili yan ng mga “Blue Chips” Companies like Jollibee, SM, Ayala, Globe, etc. Now, kapag kumita na ibabalik ito sa mga investors.
Kunwari kumita ang MUTUAL FUND Company ng 5%.
Ang kinita ko sa P100,000 ay P5,000 (P100,000 x 5%)
Ang kinita mo sa P5,000 ay P250 (P5,000 x 5%)
Ang kinita ng kaibigan mo sa P10,000 ay P500 (P10,000 x 5%)
For me Mutual Funds is the best way to start investing sa Stock Market dahil:
1.) It is Professionally Managed – kung nag-sisimula ka palang sa pag-iinvest much better na ipaubaya muna natin ito sa mga experts (Professional Fund Managers) at kapag familiar kana sa sistema ng Stock Market dun kana mag-start ng direct investing. Kumbaga sa pampasaherong jeep, kung hindi ka pa marunong mag-drive, ipaubaya mo muna ito sa driver. Sumakay ka lang muna at makakarating ka ng safe sa pupuntahan mo.
2.) It is Very Liquid – meaning anytime pwede mong i-withdraw, some Mutual Fund companies may mga charges pero kapag nalagpasan mo na ang holding period wala na itong charges. Parang bank lang din ang Mutual Fund, ang pinagkaiba lang ay sa Bank madali mo siyang makuha sa thru ATM, unlike sa Mutual Fund 3-7 days pa para ma-withdraw ang pera. So, wag na wag mong ilalagay lahat ng pera mo sa Mutual Fund, make sure na may laman pa rin ang Savings Account in case of emergency.
3.) It has a Low Minimum Investment Requirement – for as low as P1,000 - P5,000 you can open an account in Mutual Fund (some Mutual Fund companies requires P10,000 – P100,000 to open an account). Ma-swerte tayo sa panahon ngayon dahil mababa nalang ang investment requirement, unlike dati na kailangan mo talaga maglabas ng hundred thousands para makapag-open ng account sa MF. Sa panahon ngayon kahit minimum wage earner, magbabalot, janitor, construction worker, etc. pwede na maging INVESTOR. At kung mag-iinvest ka monthly pwede ka mag-top up basta minimum of P1,000.
4.) It is Diversified – yung P5,000 mo na yun ay mabibili agad ng minimum 10 BIG Companies (Blue Chip Companies) yan yung mga companies na matatagal na talaga. Hindi ka basta basta malulugi sa Mutual Fund dahil DIVERSIFIED na siya, dahil kahit malugi man ang 3 companies let’s say si PLDT, Meralco, BDO. Yung remaining 7 companies naman ay kumita, still kumita ka pa rin.
5.) It is Very Transparent – may matatanggap kang SOA (Statement of Account) quarterly, dun nakalagay kung ilang shares na meron ka at magkano na total ng kinita ng pera mo. Since Shareholder ka ng Mutual Fund Company, may karapatan kang umattend ng mga Shareholder’s Meeting, dun ididiscuss kung saan ba ininvest ang pera natin, ano ba naging performance this past few months or year. Sa Mutual Funds you’re a Shareholder or Stockholder of the Company.
6.) The Gains are Tax-Exempt – kapag bumili tayo ng isang bagay merong tinatawag na sales tax/value added tax. Kapag nag-withdraw tayo sa savings account natin merong tinatawag na withholding tax at kahit na mamatay tayo meron pa ring tinatawag na estate tax. Pero sa Mutual Funds, walang tax. Kung ang money mo sa Mutual Fund ay P100,000 at nagwithdraw ka, buong-buo walang labis, walang kulang P100,000 pesos pa rin yan.
7.) Zero Load - Ibig sabihin nito ay walang kaltas ang pera mo. For example nag-open ka ng Mutual Fund Account mo with 5,000 minimum initial investment. Kung Zero Load ang Mutual Funds mo buong buo yang 5,000 mo ay ibibili ng shares. Pero kung hindi yan Zero Load may ibinabawas na around 3% sa pera mo and every time na magdadagdag ka ng investment mo may 3% pa rin na ibabawas dito.
There are 2 options to start your Mutual Fund investment:
FIRST OPTION: Pwede kang mag-open ng Mutual Fund account diretso sa mga Mutual Fund Companies. Maghanap lang ng agent or ng CIS (Certified Investment Solicitor) sa kanilang office upang ma-assist ka nila.
Here are the list of TOP Mutual Fund Companies in the Philippines that I know:
1.) Philam Asset Management, Inc. 12th Floor, Ayala Life-FGU Center, Ayala Avenue, Makati City
2.) Sun Life Asset Management Company, Inc. Rizal Dr, Taguig, Metro Manila
3.) ATR Asset Management, Inc. 17th Flr., Tower One & Exchange Plaza, Ayala Triangle, Ayala Avenue 1226, Makati City
4.) Philequity Management, Inc. Suite 2004-A, East Tower, Philippines Stock Exchange Centre, Exchange Road, Ortigas Center 1605, Pasig City
5.) Soldivo Funds under Rampver Financials Unit 2202, 22nd Floor, Antel Corporate Center, Valero, 3 Access Rd, Makati City
6.) First Metro Investment Corporation GT Tower, Ayala Ave, Makati, Metro Manila
Maaari kang magpunta sa offices nila upang makapag-open ng Mutual Fumd account. PERO, may tinatawag silang Entry Fee or Sales Load na ibinabawas sa tuwing tayo ay mag-iinvest, usually nasa 3.5% ang charges depende sa mutual fund company.
For example ay nag-invest ka ng P100,000 sa isang MF company. Automatic yan ay may ibabawas na 3.5% sa perang ininvest mo. P100,000 x 3.5% = P3,500 Ibig sabihin may ibabawas na P3,500 sa perang ininvest, instead na buong P100,000 ang perang naibili mo ng shares ay nabawasan pa at naging P96,500. At sa tuwing dadagdagan mo pa ang investment mo ay may ibabawas pa rin na Sales Load.
SECOND OPTION: Pwede kang mag-open ng Mutual Fund account through IMG (International Marketing Group). Kaya kung isa kang member ng IMG ay sulit na sulit ay iyong membership dahil isa sa mga benefits of being an IMG member ay ZERO LOAD sa Mutual Fund Investments. Ibig sabihin kung halimbawang P100,000 ang na-invest mo ay buong buo yan walang bawas maibibili lahat ng shares.
Wealth Calculator
Dito mo malalaman kung magkano ang projected value ng investment mo sa Mutual Funds or Stock Market.
Monthly Savings: Ito yung kaya mong ipunin every month, sa picture na nasa ibaba ay may nakalagay na example: 1,000 pesos hanggang sa 10,000 pesos.
Annual Interest: Depende ito sa paglalagyan ng Mutual Fund account mo, sa picture ay:
4% - Madalas ito ay mga pang short-term goal yung tipong 1-3 years ay kukuhanin mo na ang investment mo. Kung ikaw ay yung tipo na taong hindi risky sa mga investment ay mas mainam na dito mo nalang ilagay, maliit ang kita pero maliit lang din ang lugi ng pera mo kung sakali.
8% - Kung ikaw ay yung tipong investor na sakto lang ang risk appetite, dito mo ilagay ang funds mo. Atleast 5 years of investing para maramdaman mo ang return nito.
12% and above - Ito ay fund na talagang risky, kung ang goal mo ay short-term or medium term ay hindi advisable na ilagay mo ito dito. Pero kung ikaw ay long-term mag-isip, yung tipong pang College Education ng anak, Pambili ng House and Lot, Travel. Retirement Money, dito mo ilagay ang fund mo. I recommend to invest sa ganitong klase ng fund kung ang goal mo ay 5 years pataas.
Number of Saving Years: Makikita sa picture kung magkano ang projected value nito after 5, 10, 13, 15, 20, 25, 30. The longer you save and invest, mas malaki ang return nito. Sa pag-iinvest napaka-importante ang longterm at consistency.
HOW TO START YOUR MUTUAL FUND INVESTMENT THROUGH IMG?
1. Be an IMG Memeber
NOTE: You Must be 18 or Older to be a member
2. Attend in our FREE membership orientation.
In attending the Free Membership Orientation you have an option
First Option: Watch the recorded webinar done by our IMG President MR. Joen de las Peñas.
Please don't hesitate to contact me after watching if you have questions and clarifications.
CONTACT ME HERE or if you don't have question, DIRECTLY SIGN UP HERE
Second Option: Attend in the actual Orientation in the office, just contact me for assistance. CONTACT ME HERE
Lahat naman gustong mag-ipon. Yung iba nga, laging sinasabi na gusto nilang yumaman. Pero “gusto” nga ba talaga natin o hanggang “wish” na lang tayo? Ang hirap kasing mag-ipon di ba? Parang feeling kawawa tayo pag hindi tayo nakasabay, pag hindi tayo nakakain sa mga sikat na kainan, pag hindi updated ang mga gadget natin, pag di tayo nakasama sa lakad ng barkada, pag wala tayong bagong pamporma. Hindi nauubos yung excuses natin!
“Saka na lang pag lumaki na sahod ko. Saka na lang pag may sumobra. Saka na lang pag na-promote na ko. Saka na lang pag natapos ko na mga bayarin ko.” Pero napapansin mo ba? Hindi nauubos yung mga dahilan natin! Kaya hindi rin tayo nagsisimula. Ilang taon na tayong nagta-trabaho, wala pa rin tayong naiipon.
Kung sawa ka na sa mga excuses mo, kung sawa ka na sa balanse ng bank account mo, kung gusto mo na talagang magsimula, kung seryoso ka na at gusto mo talagang mag-ipon, please take time to watch this simple video: